I would guess the only people who
doesn't know what or who Amalayer would be are ones who are not
constantly connected to the wired world. I was ambiguous at first
when I viewed this by now, viral video. I guessed it would not go
viral as there was no clear beginning and no clear contravida to the
snafu. I did not know what set off the Amalayer lady and while she
came off as condescending, who knows what I would have done had I
been in her place. Knowing me, ganun din siguro ako kataray at
shempre pa, wag na nating banggitin ang boses kong kayang mag-project
hanggang sa dulo ng gym, tipong pang-actress sa stage play. Itsura
namang kawawa din si Ate Lady Guard, parang me sa ipis ang boses.
O sige, let's talk about Ate Lady
Guard. Mababa ang sweldo ng mga yan, at saka kaya guard sila, kasi
baka hindi sila qualified sa call center jobs o di kaya ay di pwedeng
maging Deejays. Tsaka trabaho nila ang manita at maging mahigpit,
dahil kung hindi sila maghihigpit, baka magkaron ng LRT bombing part
XXIII. Wala din naman sa job description nila ang maging innovative
in times of trouble o maging pro-active when it comes to unique
situations. Kalimitan, de kahon ang replies ng mga yan, kasi nga,
kung tutuusin, foot soldiers sila, di sila generals. Kung lagi na
lang nating iisipin na wag sumunod sa mga queues, we're needlessly
making their jobs hard and we're also endangering others. Malay mo,
isa sa mga innocuous-looking persons na ayaw pumila at magpa-x-ray ng
bag ay may dalang C4. Wag maging utak-wangwang, Ms. Amalayer.
Nakaka-asar din naman kasi na plain and simple lang ang pagpila e may
mga tao pa rin na ang tingin e they're above such pleibian
activities. At maghapon nilang ginagawa yon.
Speaking as a mataray-person and a
former call center agent, kuha ko si Ms. Amalayer. Meron din naman
kasing mga guards na power-tripping. Yun tipong: “I don't like the
way your sunglasses are perched on your nose—take it off.” Wala
man lamang please. Kahit wala sa katwiran, komo sila may hawak ng
keys ni San Pedro, kelangan sumunod ka na lang. E malay mo, baka
naman kasi may ginawang karumal-dumal na krimen at pusakal na Jaguar
pala tong si Ate Lady Guard, baka naman warranted ang pag-a-amok ni
Ms. Amalayer. Kung ako ang nasa posisyon nya, e baka mas malakas pa
ang boses ko at marinig hanggang Katipunan station. Wala naman sa
pagiging guard ka at mababa ka ang pinag-uusapan, nasa feeling nya e
nabastos sya ang puno't-dulo ng gulo from her point-of-view. Di lang
naman guards ang humaharap sa nakakainis na sitwasyon maghapon, halos
lahat ng taong nagtatrabaho, may source of stress. At saka wag nyo
namang hamakin si Ms. Amalayer komo nag-english sya. Alam mo kasi,
pag lagi kang nag-i-english at sanay kang makipag-away sa English,
mahirap humagilap ng tagalog words lalo na kung galit ka at
natatabunan ng high-blood ang motor-functions ng neurons mo.
And speaking of her “Amalayer”
accent, para kasing southern accent yan eh. Yung pang-redneck. I
should know, I also speak like a redneck. Tang-ina, di ko sinasadya,
pero kasi naman, ang puro naging kausap ko sa call center na
pinagtrabahuhan ko e mga taga-south, so sa kanila ako nahawa.
American accent nga, promdi naman. Di man lang nabiyayaan ng mga
kausap na mga taga-New York or Boston man lang, para mas Brahmin ang
dating. Kaya naiintindihan ko yung amalayer, kasi, ahmalayer din.
Yung accent na yon, sila yung mga nagsasabi ng yore tarhs are flat on
yore fahrtrack, mister. Pero I draw the line on saying y'all and yes,
baws, no baws, and a'll git on it baws. Ah dahgress (slap me now).
My point is, wag na natin syang
pasikatin pa. Let's all just move on and remember, kung tayo ang
mapunta sa sitwasyon ni Ms. Amalayer, kung hindi ka nakikita ni God,
may FB at Twitter namang nakabantay.
4 comments:
natutuwa ako lagi sa blog mo, lingid sa iyong kaalaman, fan mko lol
Maraming salamat pure garden, ikaw ang pangatlong miyembro ng fan club ko, kasama ng mga magulang ko. Lingid nga sa kaalaman ko, kasi di kita kilala eh, hahaha
I take it back, he he he, I'm Charm'ed 😜
Haha. nalaman nya rin. =P
Post a Comment