Wednesday, November 14, 2012

My Two Cents Worth... And Yes, Amalayer!



I would guess the only people who doesn't know what or who Amalayer would be are ones who are not constantly connected to the wired world. I was ambiguous at first when I viewed this by now, viral video. I guessed it would not go viral as there was no clear beginning and no clear contravida to the snafu. I did not know what set off the Amalayer lady and while she came off as condescending, who knows what I would have done had I been in her place. Knowing me, ganun din siguro ako kataray at shempre pa, wag na nating banggitin ang boses kong kayang mag-project hanggang sa dulo ng gym, tipong pang-actress sa stage play. Itsura namang kawawa din si Ate Lady Guard, parang me sa ipis ang boses.

O sige, let's talk about Ate Lady Guard. Mababa ang sweldo ng mga yan, at saka kaya guard sila, kasi baka hindi sila qualified sa call center jobs o di kaya ay di pwedeng maging Deejays. Tsaka trabaho nila ang manita at maging mahigpit, dahil kung hindi sila maghihigpit, baka magkaron ng LRT bombing part XXIII. Wala din naman sa job description nila ang maging innovative in times of trouble o maging pro-active when it comes to unique situations. Kalimitan, de kahon ang replies ng mga yan, kasi nga, kung tutuusin, foot soldiers sila, di sila generals. Kung lagi na lang nating iisipin na wag sumunod sa mga queues, we're needlessly making their jobs hard and we're also endangering others. Malay mo, isa sa mga innocuous-looking persons na ayaw pumila at magpa-x-ray ng bag ay may dalang C4. Wag maging utak-wangwang, Ms. Amalayer. Nakaka-asar din naman kasi na plain and simple lang ang pagpila e may mga tao pa rin na ang tingin e they're above such pleibian activities. At maghapon nilang ginagawa yon.

Speaking as a mataray-person and a former call center agent, kuha ko si Ms. Amalayer. Meron din naman kasing mga guards na power-tripping. Yun tipong: “I don't like the way your sunglasses are perched on your nose—take it off.” Wala man lamang please. Kahit wala sa katwiran, komo sila may hawak ng keys ni San Pedro, kelangan sumunod ka na lang. E malay mo, baka naman kasi may ginawang karumal-dumal na krimen at pusakal na Jaguar pala tong si Ate Lady Guard, baka naman warranted ang pag-a-amok ni Ms. Amalayer. Kung ako ang nasa posisyon nya, e baka mas malakas pa ang boses ko at marinig hanggang Katipunan station. Wala naman sa pagiging guard ka at mababa ka ang pinag-uusapan, nasa feeling nya e nabastos sya ang puno't-dulo ng gulo from her point-of-view. Di lang naman guards ang humaharap sa nakakainis na sitwasyon maghapon, halos lahat ng taong nagtatrabaho, may source of stress. At saka wag nyo namang hamakin si Ms. Amalayer komo nag-english sya. Alam mo kasi, pag lagi kang nag-i-english at sanay kang makipag-away sa English, mahirap humagilap ng tagalog words lalo na kung galit ka at natatabunan ng high-blood ang motor-functions ng neurons mo.
And speaking of her “Amalayer” accent, para kasing southern accent yan eh. Yung pang-redneck. I should know, I also speak like a redneck. Tang-ina, di ko sinasadya, pero kasi naman, ang puro naging kausap ko sa call center na pinagtrabahuhan ko e mga taga-south, so sa kanila ako nahawa. American accent nga, promdi naman. Di man lang nabiyayaan ng mga kausap na mga taga-New York or Boston man lang, para mas Brahmin ang dating. Kaya naiintindihan ko yung amalayer, kasi, ahmalayer din. Yung accent na yon, sila yung mga nagsasabi ng yore tarhs are flat on yore fahrtrack, mister. Pero I draw the line on saying y'all and yes, baws, no baws, and a'll git on it baws. Ah dahgress (slap me now).

My point is, wag na natin syang pasikatin pa. Let's all just move on and remember, kung tayo ang mapunta sa sitwasyon ni Ms. Amalayer, kung hindi ka nakikita ni God, may FB at Twitter namang nakabantay.  

4 comments:

puregarden said...

natutuwa ako lagi sa blog mo, lingid sa iyong kaalaman, fan mko lol

Roni said...

Maraming salamat pure garden, ikaw ang pangatlong miyembro ng fan club ko, kasama ng mga magulang ko. Lingid nga sa kaalaman ko, kasi di kita kilala eh, hahaha

Roni said...

I take it back, he he he, I'm Charm'ed 😜

puregarden said...

Haha. nalaman nya rin. =P