Wednesday, March 12, 2014

Conversations and Arguments

Kaninang tanghali, pinilit ko yung pamangkin kong samahan akong bumili ng Empi lights sa bayan. Ayaw sumama ni Ichiboibaboi, so mega-suhol akong ibibili ko siya ng popcorn pag sinamahan nya akong maglakad. Syempre pa, bawal magpabuhat. Ah, four years old nga lang pala tong si pamangkin. So para maaliw at di magpabuhat, mega inaaliw at inuuto ko sya habang naglalakad.

Me: Ayan, Ichi, ilog yan. Ang pangit, no? Di katulad sa Quezon, malinis.
Ichi: Log? Ngit?

Yes, ladies and gentlemen, I'm having complete conversations with a bulol.

Me: Oo. Kaya ganyan yan, kasi tapon ka ng tapon ng basura, napupunta tuloy sa ilog. Dapat sa basurahan ka magtapon ng basura para wag pumangit ang ilog.

Wow, shet, kawawa naman yung pamangkin ko at mag-isa kong ibinigay sa kanya ang responsibilidad kung bakit pumangit ang ilog ng Binan. Later on...

Me: Anong gusto mong maging paglaki?
Ichi: Tao. (In a sing-song voice that said, "Why are you asking such stupid questions?")

Later on...

Nag-aaway si Mommy at si little sister. Or rather, nanenermon si Mommy at sumasagot si kapatid (ng mas malakas ang boses kesa kay Mommy). Sabay may kumakalabog. E akala ko nag-uusap lang at masaya pa kanina. Awatin ko kaya? Kaso baka ako ang maresbakan. Kaso baka nagkakapisikalan na kasi may kalabog. Pero drama queen kasi tong si kapatid so malamang with matching suntok sa lamesa lang ang every pronouncements nya. Eto naman kasing si kapatid e hindi marunong ng labang passive-aggressive. Yun bang umoo ka na lang (or better yet keep your mouth shut) and then gawin mo gusto mo. Wag mo nang ipaalam ang pagtutol at paghihinagpis ng kalooban mo sa pagsunod sa utos na sa palagay mo ay baluktot at di tama. Teka, hanap muna ako ng tisyu at nag-nosebleed ako ng bahagya. Tsaka busy kasi ako kaya tinatamad akong bumaba para umawat.

So ano ba ang kapupuntahan nitong blog post na ito? Wala naman, may maikwento lang.

No comments: