He's got a point there. Pero naman, kaya ka nga nagluto, pwede mo namang habulin ang lasa. Pwedeng tikman, kuya. Ang mga hindi lang nahahabol ang lasa e kung pumutok ang apdo ng isda mo. Good luck. I've had a few misses when it comes to cooking, but I generally appreciate what I put on the table. Sabi nga nila, walang ibang pupuri sa iyo kundi sarili mo.
Speaking of ingredients, dahil nga sa may pagka-OCD ako, gusto ko authentic. There was a time when nasa bahay ako ng pinsan ko and I was blabbering about spices to make a Taco better. She whipped out an instant Taco mix and gleefully added it to the meat, whilst looking at me from the corner of her eyes. Ugh, people. Tapos, meron akong kakilalang pastry chef (he's employed by a five star hotel) and we had conversations like these:
Me: “Do you know where I can get whole nutmegs?”
PC: “You can get the ground ones from the grocery, like McCormick...”
Me: “No, I want the whole ones, you know, the ones you can grate.”
Me: “Which red wine do you usually buy?”
PC: “Huh, I just buy the Dona Clara one.”
Me: “The table wine?” - I was horrified by the Philistine.
PC: “You know, you remind me of Bree.”
Me: “Huh?”
PC: “You know, from Desperate Housewives. She's such a perfectionist.”
Me: “...” - Asar talo na ako sa puntong ito.
Needless to say, wala na siyang kredibilidad para sa akin.
Sa ngayon, in love ako sa Thai and Indian cooking, so talagang namomroblema ako sa paghahanap ng mga sangkap. E kung sa Australia nga, nahirapan akong maghanap ng kaffir lime leaves, dito pa kaya? Meron sa Shopwise, pero kukunin muna nila ang dugo mo at maliit na piraso ng atay mo sa sobrang mahal. Isa rin tong Garam Masala, talaga namang dadayo ka pa ng United Nations para lang makakita ka ng Indian spices.
Isa pang nakapagtataka dito sa Pilipinas, meron sa ating wansuy (coriander), pomegranate (granada), luyang dilaw (turmeric), at dayap (lime) pero pumunta ka ng palengke at bibigyan kita ng piso pag nakakita ka. Locally, meron tayong mabolo, sampalok na hinog, balimbing, camachile, lipote, bunga ng sasa, bunga ng buli, at ang pinakapaborito ko pero kahit kelan walang nagbebenta, ang aratiles (hoy, batang bulol lang ang nagsasabi ng alatires). Talaga bang hindi tayo mahilig kumain ng prutas o ng gulay? E paano naman ang alupihang dagat, salungo at la cucaracha na masarap pero walang bumibili? E ang mahal nito sa restaurant, ah.
Ngayon ko rin lang nalaman na may parang green curried chicken dish na iniluluto sa Panaon, Quezon at sa Marinduque. As in Pinoy dish siya pero parang Thai food. Meron ding turmeric rice pala sa Batanes. At merong iniluluto ang mga ilonggo na hindi ko alam kung ano, basta, masarap sya. Ibig sabihin, ang Pinoy food e hindi lang adobo o sinigang. Na kahit ako na kung saan saan na napadpad na mga isla ay marami pa ring hindi natitikman sa pagkaing Pilipino.
Isa pa ring gusto ko e cheeses. As in cheeses talaga. Roquefort Bleu, Danish Bleu, Camembert, Brie, Smoked, atbp. Kaso ako lang ang may gusto nito, wala ng iba. Yung bleu cheese, may amag na nga, inaamag pa kasi walang ni isa man lang sa kanila ang kahit hawakan ang keso na to ay ayaw. Yung tipong, uh-uh! Ayaw koh! Di nila alam, nilalagay ko to sa mushroom omelette na sarap na sarap sila, wag lang nila malaman kung pano ko niluto. Meron din sa atin na kesong puti na kelangang nakatambay ka sa kanto ng mga isa hanggang anim na buwan para matyempuhan mo si Manong na naglalako nito.
Speaking of cheese, I made a mac'n cheese with just a Cheezee spread. Gagawa sana muna ako ng roux with spices at nadiskubre ko ang malaking problema. Yung whole nutmeg na binili ko e inamag na at nadudurog nang kusa paghawak ko pa lamang. Yung Queensland butter ko ay inamag na rin sa katagalan kong di ginamit. Tininggg!!! Wala akong bleu cheese, so kahit may amag si Queensland butter ay yun ang ginamit ko at thyme, basil, oregano na lang ang spices. Ipinakain ko sa kapatid kong walangya na nagsabing wala akong niluto na di ako nasarapan, at hayun, masarap naman daw. In fairnez, kumain din ako at masarap naman.